Hirit ni PNoy sa China, ipinarating na ni Roxas kay Chinese VP Xi Jinping

AGAD na ipararating ni Chinese Vice President XI  Jinping kay Chinese President Hu Jintao ang mensaheng ibinilin ni Pangulong Benigno Aquino III na bitbit ni DILG Sec. Mar Roxas, itinalagang special envoy sa China.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, naging matagumpay ang pulong ni Roxas at Vice President Xi Jinping sa idinaos na 9th China-ASEAN Expo sa Nanning, China.

“ Vice President Xi also responded to the matters raised in the meeting, which Roxas promised to convey to President Aquino,” ayon kay Usec. Valte.

Ang pulong, aniya, ay nakatuon sa kasalukuyang usapin sa pagitan ng dalawang bansa  at maging iba pang  sa bilateral relationship ng Pilipinas at China.

Kapuwa ipinamalas ng dalawang bansa ang kanilang hangarin na maresolba ang kasalukuyang usapin sa  ng dalawang bansa habang patuloy na isinusulog ang kanilang bilateral relations.

“discussions were constructive and the talks were conducted in a cordial atmosphere,” ani Roxas.

IKINATUWA naman ni Vice President Xi  ang naging desisyon ni Pangulong Aquino na magpadala ng special envoy sa nasabing event.

Ipinakita lamang, aniya, nito ang pagpapahalaga at malasakit ng Punong Ehekutibo Philippines-China relations.

“We had a frank and candid exchange of views and I am satisfied that I was able to faithfully convey President Aquino’s message,” ang pahayag ni Sec. Roxas.

Samantala, kasama ni Roxas sa pulong sina Presidential spokesman Edwin Lacierda, Foreign Affairs Undersecretary Erlinda Basilio at Philippine Embassy Beijing Charge d’Affaires Alex Chua.

Samantala, nakasalalay naman sa magiging desisyon ni Pangulong Aquino kung magpapatuloy si Senador Antonio Trillanes IV bilang backdoor negotiator sa usapin ng Scarborough Shoal.

“Well, that will depend entirely on the President. That’s usually assessed on a case to case basis and ultimately it will be the President who will be making that decision. And, also Marie, allow me to say that si Secretary Roxas will be—if you notice that we want to give information about the meeting except that si Secretary Roxas will be reporting to the President muna. So, perhaps, we wanted to be able to give a general overview of had happened in last night’s meeting but Secretary Roxas will be reporting to the President on the, of course, the more detailed results of their meeting,” aniya pa rin.

Samantala, agad na didiretso si Roxas kay Pangulong Aquino sa oras na makabalik na ang mga ito sa bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply