Hits from the 80s tema ng X Factor ngayong Saturday night

NAKATUTUWA talaga ang ilang avid fans ng X Factor Philippines na aking nakausap.

Ayon sa kanila, tuwing Sabado sa performance night, animo nanood daw ng concert ang mga viewer dahil “sulit” ang mga pagtatanghal ng bawat contestant.

Anila, hindi gaya ng ibang singing search sa TV, ang X Factor ay may group. Kadalasan kasi single o solo lamang ang contestant sa ilang sumikat na singing contest sa telebisyon.

Kaugnay nito, nag-iisa na lang ang grupo na hawak ni mentor-judge Gary Valenciano, ganoon din ang kay Ms. Pilita Corrales (over 25). Habang dalawa naman ang kay mentor Charice (girls category) at buo pa ang tatlo ni mentor Martin Nievera (boys category).

Sino-sino kaya ang magsa-shine sa performance night mamayang gabi sa X Factor Philippines?

Sino-sino ang magugustuhan ng mga judges at mga viewer/voters?

Magpapatalbugan at magpapagalingan ang natitirang pitong finalist sa temang “Hits from the 80s.”

Abangan mamaya pagkatapos ng Maalala Mo Kaya sa Kapamilya Network.

Top 7:
Daddy’s Home
Joan Da
KZ Tandingan
Allen Sta. Maria
Jeric Medina
Gabriel Maturan
Kedebon Colim

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply