Hog raising industry protektado ni Biazon

PINATUNAYAN ng Bureau of Customs sa pamamagitan ng isang “walk–through” sa pangunguna ni Commissioner Ruffy Biazon na masusing proseso ang pinagdaraan ng mga imported meat sa bansa bago mailabas sa lokal na pamilihan.

Ang nabanggit na “walk-through” ay ginanap sa imported meat release facilitation procedures ng BoC  kahapon kung saan naimbitahan ang mga local hog raiser upang sila mismo ang makasaksi sa prosesong magpapatunay na hindi basta-basta ang pagpasok ng imported na karne sa bansa.

Ayon kay Biazon, sa kasalukuyan ay binibigyan ng sapat na atensyon ng ahensya ang pagpasok ng imported meat para sa mas maingat, masusi ngunit mabilis na proseso ng paglabas nito sa lokal na merkado para na rin sa kapakanan ng mga consumer, maging ang mga lokal na magbababoy.

Ipinakita ni Biazon na maging sa mga dokumento ay hindi rin nagpapabaya ang ahensya na kung sakaling may hindi maisumite na mahalagang document ang isang partikular na importer ay hindi mailalabas sa BoC ang karneng inimport nito.

Tunay na reporma ang ipinatutupad ngayon sa Customs na tiyak na ikinatutuwa na rin ng local hog raisers dahil kitang-kita na may malasakit ang ahensiya sa industriyang kanilang ikinabubuhay.

Sa pamamagitan ng isinagawang “walk-through”, naging bukas sa publiko ang Customs na nagpapatunay lang na handa nitong ipakita ang higpit ng seguridad na ipinatutupad sa ahensiya upang masawata na rin ang smuggling.

Bukod sa meat smuggling, patuloy rin ang Customs sa kanilang operasyon na magtukoy sa mga tao sa likod ng iba’tibang kaso ng smuggling sa bansa.

Kung tutuusin, mahirap ang trabahong ginagawa ni Comm. Biazon ngayon dahil kaakibat nito ang posibilidad ng pagganti ng mga taong nasasagasaan ng kanyang ahensiya.

Ngunit sa determinasyong ipinakikita nito, hindi malabong matupad ang lahat ng
planong pangreporma na kanyang ipinangako.

Hindi nagkamali si Pangulong Aquino sa pagtalaga kay Biazon sa Customs dahil sa kasalukuyang lagay ng ahensiya, malinaw na tuwid na daan ang tinatahak nito.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply