Holdaper nakipagbarilan sa mga parak, utas

PATAY ang isang holdaper matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng Manila Police District sa Malate, Maynila.

Sa report ng MPD, hinoldap ng riding in tandem ang isang empleyado ng Harrizon Plaza na si Myra Sadongdong ngunit agad na nakahingi ng saklolo ang biktima sa pulisya.

Agad na hinabol ng pulisya ang dalawang holdaper hanggang sa magkapalitan ng putok at ikinabulagta ng isa sa dalawang suspek. Nakatakas naman ang kasama nito nang tumalon umano sa creek.

Sa pahayag ng biktima, kabababa lamang niya sa pampasaherong jeep nang tutukan ng patalim ng mga holdaper na sakay ng motorsiklo.

Nakuha sa biktima ang bag nito na naglalaman ng kanyang cellphone at wallet.

Agad naman itong nakahingi ng tulong sa napadaang pulis sa lugar kaya hinabol ang mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply