Holdaper tiklo sa Caloocan City

KULONG ang isang holdaper matapos mambiktima ng kasakay sa jitney sa ibabaw ng tulay sa Caloocan City kagabi.

Nakilala ang suspek na si Reynaldo Macate, 22, ng Phase 9 ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-11 ng gabi, kasakay ng suspek si Debbie Pajutagana, 25, sa jitney at pagsapit sa Matarik Bridge ay naglabas ng patalim ang suspek sabay tutok sa biktima.

Kinuha ng suspek ang bag ng biktima na naglalaman ng P10,000 at cellphone bago tumakas subalit nakahingi ng tulong ang biktima sa mga barangay tanod at pulis na nagroronda.

Hinabol ang suspek at naabutan na naging dahilan upang dalhin sa presinto at mabawi ang bag subalit wala na ang cellphone ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply