Holdaper tiklo sa tili ng biniktima

KULONG ang isang holdaper matapos madakip ng pulis nang magtitili ang biniktimang bebot sa Caloocan City kaninang umaga.

Nakilala ang suspek na si Bonifacio Cabug-os, 36 ng Failong St., San Jose, Navotas.

Sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga, tinabihan ng suspek si Jocelyn Charcos sa dyipni. At pagsapit sa Samson Road ng lungsod ay tinutukan ng balisong.

Kinuha ng suspek ang dalawang cellphone ng biktima at wallet na may lamang gintong kuwintas, bracelet at hikaw na aabot sa halagang P21,000.

Mabilis na bumaba ang suspek subalit nagsisigaw ang biktima na narinig ni PO3 Casiano Reyes na naging dahilan upang habulin at madakip ang una.

Nabawi rin ang lahat ng mga tinangay sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply