Holdaper tinaniman ng bala sa ulo

BUMULAGTA ang isang hinihinalang holdaper matapos umanong mang-agaw ng baril sa tauhan ng Manila Police District kagabi sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang suspek na si Roel Comedia sanhi ng tinamong dalawang tama ng bala ng baril sa ulo.

Sa report, nakatakda umano sanang isailalim sa inquest proceedings  ang suspek sa Manila City hall ng kanyang police escort nang matanggal  ang kanyang posas dahilan upang mang-agaw ng baril  sa may Road 10 sa Moriones, Tondo.

Maagap namang nakabunot ng baril ang isa pang pulis na si PO2 Gilbert Doman at agad na pinaputokan ang suspek.

Napag-alamang si Comedia ay naaresto sa kanilang bahay sa Moriones at ititinuturo rin siyang lider ng tatlong holdaper na pumatay sa guwardiya sa North harbor na si Nemesio Garsola na nasagasaan pa ng cargo truck noong Agosto 27.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply