Holdaper todas sa pulis Maynila

BUMULAGTA ang isang hinihinalang holdaper nang nakipagpalitan ng putok sa isang operatiba ng Manila Polcie District (MPD) matapos itong mambiktima sa isang driver sa Tondo, Maynila.

Dead on arrival sa Tondo General Hospital ang suspek na si Ronnel Francisco, 25, may-asawa, may live-in partner, miyembro ng Sigue-sigue commando ng Raxabago St., Tondo sanhi ng tama ng bala mula sa baril ni PO2 Berlindo Serrano, nakatalaga sa MPD_Station 1.

Sa report ni SPO1 Ramir Dimagiba ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 8:45 ng gabi nang naganap ang insidente sa kanto ng Lacson at J.P. Rizal Sts., Tondo, Manila.

Sa pahayag ni Rosauro Cordobre, 31, binata,naglalakad siya ng lapitan ng suspek at agad na tinutukan ng baril saka nagdeklara ng holdap .

Matapos malimas ang kanyang cellphone at wallet na may laman na P300 ay saka tumakbo ang suspek sa direksiyon ng Trinidad St., Tondo.

Agad namang nakahingi ng saklolo ang biktima kay Serrano at kasamahang sina PO3 Boco at PO2 Delos Santos  na noon ay nagsasagawa ng anti-criminality inspection sakay ng kanilang motorsiklo.

Sinundan nina Serrano ang suspek kung saan sumuot ito sa isang madilim na bahagi ng isang iskinita  hanggang sa paputukan nito ang kapulisan kaya gumanti si Serrano at tinamaan ang suspek.

Isinugod ang suspek sa ospital subalit idineklarang dead on arrival .

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply