Home meat processing sa SOCCSKSARGEN, isinusulong ng DA

MALAKAS na isinusulong ngayon ng Department of Agriculture 12 sa pamamagitan ng Livestock Division ang home swine meat processing sa buong rehiyon dose.

Ang kampanyang ito ay bahagi ng Agri Pinoy Program Livestock Regional Coordinator John B. Pascual sa kanyang pahayag na ang mga swine backyard raisers ay mas makatitipid at makakikita nang madali kung sila mismo ang magpoproseso ng kanilang mga produkto patungo sa merkado.

Aniya, kabilang sa isinusulong na home meat processing ay ang produksyon ng hamon, skinless longanisa, tocino, embutido, pork nuggets, siomai at barbecue.

Iginiit din ni Dr. Pascual na ang paggamit ng home-mixed feeds ay mas nakaaangat para sa mga backyard swine raisers sapagkat bukod sa ito’y nakatitipid, ay mataas pa ang dekalidad na naidulot nito sa mga karneng baboy kumpara sa resulta na naidulot ng mga commercial feeds. Ito ay ayon sa pagsaliksik na isinagawa ni Dr. Neil C. Doton, Veterinarian II ng Department of Agriculture-Central Mindanao Integrated Agricultural Research Center (DA-CEMIARC), Amas, Kidapawan City.

Ang naturang home meat processing ay isinusulong sa kasagsagan ng Value Added Seminar on Pig Butchering and Meat Processing sa Provincial Livelihood Learning Center, Barangay Patag, Malapatan, Sarangani Province nitong martes at miyerkules, August 28 at 29.

Tampok ang hands-on training ng mga miyembro ng Patag Swine Raisers Association sa pagkatay ng baboy,paghiwa ng mga karne, at pagproseso nito sa pangunguna ni Dr. Doton na ginanap sa Alabel Slaughter House.

Samantala, magsasagawa ang DA-Livestock Division ng buwanang pagsasanay ukol sa naturang programa ngayong taon sa iba’t-ibang probinsiya ng rehiyon na may layuning matulungan ang mga backyard swine raisers upang makakuha ng dagdag kita.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply