Honest kutsero ng Rizal Park pararangalan

PARARANGALAN ng “Dangal Rizal  Park award” ang “honest kutsero” na nagsauli ng halagang 4,000 euro sa isang French national na kanyang naging pasahero kahapon sa Luneta .

Ayon kay National Parks Development Committee (NPDC) director Juliet Villegas isang katapatan ang ginawa ni Jaime Mayol.

Kahapon dakong alas-9:00 ng umaga nang maisakay ni Mayol ang dayuhang turista na si Kenneth Xeddie at iba pang kasamahang babaeng dayuhan.

Dahil natuwa sa mga tanawin ng buong Rizal park habang inililibot sila ni Mayol ay hindi napansin ni Xeddie na nahulog ang kanyang wallet mula sa dala nitong bag.

Ilang metro na umano ang layo ng mga dayuhan nang mapansin ni Mayol na may nahulog na pitaka sa kanyang kalesa kaya anman agad nitong tinawag si Xeddie at isinauli ang wallet nito na naglalaman ng euro bills na katumbas sa P272,000.

Sa pahayag ni Mayol, sinabi nito na hindi matatawaran ang pagiging tapat sa trabaho kahit pa maliit lamang ang kanyang kinikita bilang isang kutsero sa Rizal Park.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply