Hostage taker itinumba ng SWAT sa loob ng pampasaherong jeep

TODAS ang isang hindi pa nakikilalang holdaper habang nakatas ang dalawang kasamahan nito nang paputukan ang una ng nagrespondeng kagawad ng SWAT makaraang ihostage ang isang estudyanteng babae kaninang hapon sa tapat ng MCU hospital sa Edsa, Caloocan City.

Dead on spot sa loob ng pampasaherong jeep ang hindi pa nakikialang hostage taker matapos itong barilin mga nagrespondeng tauhan ng Special Weapon and Tactics ng Caloocan police.

Samanatala, mabilis namang nakatalon sa saksakyan at tumakas ang dalawang holdaper na kasamahan ng nasawi.

Nakaligtas naman sa kamatayan ang biktima na si Eveth Velasco, 20, dalaga, estudyante ng Fatima University hospital, at residente ng Morning Breeze Caloocan maliban sa sugat sa leeg bunga ng pagkatutok ng patalim .

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng Station Investigaton Division (SID)ng Caloocan police, dakong alas 2:00 kaninang hapon ng maganap ang paghostage sa nasabing lugar.

Nabatid, sakay ang biktima sa pampasaherong jeep na may plakang TWA 720 na may rutang Monumento Pier na minamaneho ni Reynaldo Cacho Devera at pagsapit sa tapat ng MCU hospital dito isinagawa ang panghoholdap at ng masokol ang suspek dito isinagawa hostage.

Dahil dito, agad inalerto ni Sr.Insp. Avelino Protacio, hepe ng SWAT, ang kanyang tauhan at pagsapit sa nasabing lugar dito tinutukan ng kutsilyo ang dalaga.

Nagsagawa ng pakikipagnegosasyon si Sp03 Erwin Carandang sa suspek ngunit pabaon ng pabaon ang kutsilyo sa leeg ng biktima dito na isinagawa ni P01 Jonathan Dela Cruz na barilin na agad ikanasawi ng suspek.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at sa pagkakakilanlan ng nasawing holdaper.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply