Hubadera inaayawan na, nagbubugaw na lang!

TOTOO kaya itong nasagap naming tsismis na itong dating hubadera ay bugaw na lamang ngayon?

Inaayawan na raw kasi ang hitad ng mga dati niyang kustomer. Naghahanap na sila ng bago at sariwa. Ayaw na sa katulad niyang may-edad na, mataba pa.

Kaya rito nagkaroon nang ideya ang lola nyo na maghanap ng mga kakilala niyang pokpok at ito na lamang ang ibinibigay niya imbes na ipagduldulan pa ang kanyang sarili.

Minsan nakita nang aming source ang dating boldstar na may karay-karay na mga babae at nakaposte sa isang kilalang hotel along Timog, malapit sa isang TV station.

Mukhang enjoy naman daw sa kanyang ‘booking’ business ang ex-boldstar. Parati nga raw itong nakatawa.

Pero alam nyo bang, masaklap daw pala ang nangyari sa mga supling nito?

‘Yung kanyang anak na lalaki ay adik daw sa ipinagbabawal na gamot.

Samantalang parang inahin naman daw na inaanakan lang nang inaanakan ng kanyang karelasyon ang anak niyang babae.

***

Nature’s Weirdest Events sa Kap’s Amazing Stories

NGAYONG Linggo, September 23, samahan si Sen. Bong Revilla, Jr. sa kanyang pag-iimbestiga sa mga iba’t ibang nakamamanghang phenomena na gumulantang sa mundo sa Nature’s Weirdest Events episode ng Kap’s Amazing Stories.

Alamin kung papaanong nabalutan ng sapot ang isang kotse at ang mga punong nakapaligid dito sa isang lugar sa Holland sa loob lamang ng isang gabi! Isang village naman sa tabi ng isang lawa sa Switzerland ang nabalutan ng yelo ng isang linggo.

Mistulang pulang ulap naman ang bumalot sa Sydney na nagbunga ng maraming ispekulasyon tungkol sa nalalapit na pagkagunaw ng mundo. Lalo pang nagpalala sa mga usapan ang paglamon ng mga locust at daga sa mga palayan sa Australia .

Abangan lahat ng ito sa Kap’s Amazing Stories ngayong Linggo, pagkatapos ng Pepito Manaloto, sa GMA7.

***

Utol ni Pampi maghihiganti kay Jolo dahil sa pang-aagaw kay Jodi

ANG chief of staff at anak ni Sen. Ping Lacson na si Ronald Jay Lacson ay buong-buo na ang desisyon na tumakbong vice governor ng Cavite sa darating na 2013 election.

“I have decided to help out Congressman Malicsi in his bid for governor,” sabi ng binata.
Unfortunately, ang makahaharap ni Ronald sa laban ay si Jolo Revilla, na sa kasalukuyan ay barangay chairman ng Panapaan 7 sa Bacoor at executive vice president of the League of Barangays of the Philippines.

Si Jolo ay nagpahayag din na vice governatorial race ang tatakbuhan. Ang desisyon na ito ng aktor ay kinupirma ng kanyang amang si Sen. Bong Revilla.

At si Jolo ay magiging runningmate ng re-electionist Governor Jonvic Remulla. So, Malicsi-Lacson of the Liberal Party versus Remulla-Revilla of Alyansang Lakas at Magdalo.

Ang nakatatawa lang, ayon sa espekulasyon ng ilan, siguradong may kasamang pagganti raw ang pagtakbo ni Jay laban kay Jolo dahil sa ginawang pakikipagrelasyon daw ng huli kay Jodi Sta. Maria na asawa na utol ng una na si Pampi Lacson.

Gayunman, siniguro naman ng panganay ni Sen. Lacson na, “It just so happened that we’re both gunning for the same position. It’s going to be a friendly fight, nothing personal.”

***

Toni, Melai at Billy, nagbabagong buhay na!

INSPIRING life stories nina Toni Gonzaga, Melai Cantiveros, at Billy Crawford ang ibibida sa “Showbiz Inside Report” ngayong Sabado,Setyembre 22.

Sa episode na may titulong “Bagong Buhay, Bagong Pag-asa,” kilalanin ang tunay na pagkatao nina Toni, Melai at Billy sa pamamagitan ng mga eksklusibong kuwento tungkol sa mga pinagdaanan nila sa buhay bago nakamit ang kanilang kasikatan.

Sino ang naging inspirasyon ni Toni habang nakikipagsapalaran siya para maabot ang kanyang mga pangarap?

Paano nabago ng showbiz ang buhay ng pamilya ni Melai?

Bakit pinanindigan ni Billy ang kanyang career sa Pilipinas sa kabila ng mas magagandang oportunidad sa Europe?

Huwag palampasin ang mga kwento ng pagbabagong buhay sa trending Saturday entertainment talkshow sa bansa, “Showbiz Inside Report,” tuwing 2:30 ng hapon, pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @SIRTVOfficial sa Twitter, o i-‘like’ ang Facebook fanpage na http:/

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

 

 

 

 

 

 

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply