Hukom sa Parañaque shoot-out, bumitaw na

TATLONG taon ang nagdaan bago nakapagpasiya ang hukom na humahawak sa kasong kinasasangkutan ng mga miyembro ng Highway Patrol Group (HPG) na nakapatay sa mag-ama nang mangyari ang barilan sa isang subdivision sa Paranaque City apat na taon na ang nakararaan.

Tinugunan na ni Judge Jaime Guray ng Paranaque Regional Trial Court (RTC) Branch 260 ang matagal ng hirit ng asawa ng napaslang na seaman na si Alfonso de Vera at anak na si Lia na bitawan na ang kaso sa paniwalang hindi sila makakakuha ng patas na katarungan sa nasabing hukom.

Magugunita na napatay ang mag-ama makaraang mapagkamalan na kabilang sa mga miyembro ng Waray-Waray gang na nakabarilan ng mga tauhan ng HPG sa United Paranaque Subdivision noong Disyembre 5, 2008.

Noong taong 2010, ibinasura ni Guray ang kasong isinampa ni Lilian Benitez, may-bahay ng mag-ama laban sa mga tauhan ng HPG dahilan sa kawalan ng sapat na ebidensiya subalit binaligtad ito ng Court of Appeals at iniutos na ituloy ang paglilitis laban kina Chief Insp.Lawrence Cajipe at Joel Mendoza, Inspector Gerardo Balatucan, Police Officers 3 Jolito Mamanao Jr. at Fernando Rey Gapuz, Police Officers 2 Eduardo Blanco at Edwin Santos, at Police Officer 1 Josil Rey Lucena.

Inaasahan naman na mapupunta ang kaso sa sala ni Paranaque RTC Judge Marie Grace Javier Ibay ng Branch 194 dahil ito na lamang ang isa pang family court ng Paranaque RTC na humahawak sa mga kahalintulad na kaso.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply