Human rights lawyers, estudyante nag-ayuno sa pagpapalaya ng political prisoners

NANAWAGAN ang daan-daang human rights lawyers at law students na makiisa sa pag-aayuno na nagsimula pa kahapon para sa pagpapalaya sa political prisoners.

Ayon kay Atty. Edre Olalia, Secretary General ng National Union of People’s Lawyers (NUPL), layon ng pagsasagawa nila ng fasting ay upang ipanawagan sa gobyernong Aquino na palayain na ang political prisoners sa buong bansa.

Sinabi ni Olalia na inaasahan nilang 300 abogado at 200 law students at paralegals mula sa 18 regional and provincial chapters ang lalahok sa one-week fasting na magtatapos sa Biyernes, Setyembre 21.

Ipinabatid rin ni Olalia na magsasagawa sila ng jail visits bilang bahagi na rin ng 5th founding anniversary ng NUPL at ika-40 anibersaryo ng Martial Law.

Ayon sa grupo, may aktibidad din na isinagawa ang mga nakakulong na political prisoners sa Southern Mindanao, Compostela Valley, Central Visayas, Eastern Visayas, Batangas, Isabela, New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City at Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Sa kabuuan, may 90 political prisoners sa buong bansa, kabilang na ang 13 consultants ng National Democratic Front at ilan sa kanila ay matatanda at may mga sakit.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply