Hurting pa rin sa ex!

LAMAN ng mga blind items na si Jennylyn Mercado ang idinadamay sa hiwalayang Paolo Contis at Lian Paz.

Pero ayon sa malapit sa mag-asawa, hindi si Jen ang dahilan.

Naniniwala kami na walang kinalaman si Jennylyn dahil very much happy siya sa relasyon nila ni Luis Manzano.

Nilinis rin ni Lian ang pangalan ni Jennylyn. Hindi raw ito.

“Di ko rin po alam..kasi ‘yung kay Jen ay matagal na. Iba na ‘yung ngayon,” sey niya sa amin sa text.

Noon ay natsismis nga sina Jen at Paolo pero napabulaanan rin ‘yun dahil si Luis na ang karelasyon nito.

“Non-showbiz po, e! Di ko alam din. Kapagod Tito. Super sakit po talaga,” sagot pa ni Lian sa text.

Tinanong din namin ang manager ni Jennylyn na si Tita Becky Aguila na nadadamay na naman ang alaga niya sa hiwalayan.

“Ewan ko. Bakit ba palaging si Jen ang ginagamit pag may hiwalayan sa mga showbiz couples. Kawawa naman siya. ‘Wag nga nila idamay si Jen sa mga sigalot nila. Nananahimik at Masaya sila ni Luis at kahit kalian, hindi na- ging home wrecker si Jen,” deklara ni Tita Becky.

‘Yun na!

-0o0-

HUMAHATAW talaga ang Horror Princess na si Lovi Poe dahil sa October 17 ay mapapanood siya sa pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles na pinagbibidahan rin ni Dingdong Dantes.

Ito’y sa direksyon ni Erik Matti at prodyus ng Reality Entertainment, Agostodos Pictures, Reality Entertainment’s sister companies and post-production arms PostManila and Mothership, and GMA Films.

“Their involvement made it a big and exciting film,” bulalas ni Lovi. “Plus I really enjoyed the script and really liked the role. It was later on that I found out that there would be a lot of computer-generated effects in the film and it made me more proud to be part of such an ambitious project,”sey pa niya.

Anyway, ang Tiktik ay bahagi ng aswang mythology. Kung sa Manila ay may manananggal, sa Visayas ay may tiktik.

Kasama sa pelikula sina Joey Marquez, LJ Reyes, Ramon Bautista, Janice De Belen, Roi Vinzon, Mike Gayoso and Rina Reyes.

Kahit si Joey ay naniniwala sa kalidad ng ‘Tiktik’. Willing siyang sumusyo kung inoperan siya.

“Kahit wala akong pera, isasangla ko ang mga alahas ko. Ibebenta ko kotse ko. Ha! Ha! Ha! Hindi ito ‘yung pera na kikitain mo, it’s not the return of investment. ‘Yung pride na naging part ka ng ganitong klase ng movie na kung saan, ito ‘yung magse-set ng bagong trend.”

Bongga at talbog!

-0o0-

NAPATAWAD na raw ni Melissa Ricks ang ex-boyfriend niyang si Jake Cuenca. Pero hindi na raw kailangang magbatian o mag-usap pa sila nito pag nagkasalubong o magkita. Hindi raw niya magagawang makipagkaibigan pa rito.

Talbog!

-0o0-

SI KZ Tandingan ng Digos City ang bet namin na mag-win sa finale ng X-Factor Philippines nang iharap sa press ang final 6.

Top 2 naman sa amin ang Daddy’s Home na kinabibilangan nina Allan Silonga, Herbert Silonga, Eric Dacanay at Jerome Icatar.

Nu’ng Sunday, pinagpilian ang Daddy’s Home at si Kedebon Colim kung sino ang papauwiin. Of course, tamang desisyon na si Kedebon ang malaglag dahil sablay naman talaga ang boses niya. Maaaliw ka lang sa kanya at matatawa kung paano siya mag-perform. Dapat lang na pauwiin na siya.

Sina KZ at Daddy’s Home ay parang Vernie Varga at South Border ang peg.

Puwede mong maipagmalaki sa ibang bansa pag nag-perform.

Of course, nandiyan rin sina Jeric Medina ng Paranaque na gumaguwapo ngayon habang nababawasan ng timbang. Nandiyan rin si Gabriel Maturan ng Dapitan City at si Allen Sta. Maria ng Nueva Ecija na makikipagtalbugan at makikipaglaban.

Final 5 na ang natira sa ‘X-Factor’ na kung saan ay nagagalingan kami kay KC Concepcion bilang host ng programa. Nabigyan niya ng justice ang pagiging host nito.

‘Wag nang bibitaw dahil ilang linggo na lang ay magaganap na ang hinihintay na grand finals ng biggest musical event ng bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply