Huwag isisi ang plastic sando bags

DAHIL sa mga nangyayaring sakuna sa ating bansa, tulad ng bagyo, lindol, tsunami, pagbaha at kung anu-ano pa, maririnig nating pinagbubuntunan ng sisi ng mga namumuno at ng publiko ang basura.

Sa kabilang banda kung ating paka-iisipin at tayo ay titingin sa paligid, nasaksihan nating lahat na ang basura ang pangunahing dahilan ng pagbaha.

Nagkalat na lata, papel, plastic, gulong, basahan, gayundin lahat ng uri ng basura at kalat sa paligid ay tunay na sagabal at napakalaking perwisyo sa tao.

Subalit, ang pinaka-pangunahing pinagdidiskitahan ay ang plastic, maging ito ay supot, bote, sachet, tabo, planggana, timba lahat – ng uri ng gamit na gawa sa plastik.

Ayon sa mga nagmamasid, kailangan na raw itigil ang paggawa at paggamit ng plastic. Sa puntong ito, hindi dapat na isisi sa plastic na mga bagay ang pagkabara ng kanal, estero, at kung anu-ano pang uri ng sakuna, sapagkat ang plastic ay mahalagang gamit natin sa pang araw-araw na buhay.

Ayon kay President Peter Quintana ng Philippine Plastic Association, Inc., kapag inalis natin ang mga produktong plastic, unang-una nang maaapektuhan ang ating ekonomiya sapagkat maraming kababayan natin ang mawawalan ng hanapbuhay.

Alam naman ng lahat na ang industriya ng plastic dito sa ating bansa ay isa sa pinagkakakitaan ng mga taong nagtatrabaho sa mga pabrika na may kinalaman dito.

Kung mapapansin natin halos lahat ng produktong kinukunsumo natin na makikita sa mga supermarket, palengke, talipapa at maging saan man ay nakalagay o kaya ay nakabalot sa plastic.

Katulad ng mantika, sabon, inumin, juice, tinapay, palaman, shampoo at lahat halos ng mga pangangailangan ng tao sa araw-araw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply