Iba ang pag-ibig..iba ang pagiging lingkod bayan!

NAGKAKAROON ng intriga ngayon tungkol sa balitang napipintong rivalry sa politika ng mga Revilla at pamilya Lacson. May balita kasi na possible raw makalaban ni Jolo Revilla bilang Bise Gobernador ng cavite ang anak ni Senator Ping Lacson na si Jay Lacson.

Idinidikit ito sa issue rin tungkol kay Jodi Sta. Maria na ex-wife ng anak rin ni Senator Ping na si Panfilo Lacson Jr. dahil napababalitang ang aktres nga ang kasalukuyang karelasyon ni Jolo.

“Ayokong isipin sa gano’ng larangan,” reaksiyon ng ina ni Jolo na si Congresswoman Lani Mercado nang matanong namin. “Kasi iba ang pag-ibig. Iba rin ang pagiging lingkod-bayan.

“So ang relationship namin with Senator Ping, I hope, is intact. Hindi naman ito personalang labanan. It is in the spirit of politics kaya nagkakaroon ng ganitong sitwasyon. Pero sana, patas lang ang labanan.

“Walang kinalaman si Jodi rito. I hope not. Kawawa naman si Jodi. Wala pa si Jodi sa buhay ni Jolo, si Jolo has been a public servant already.”

Ano nga ba ang estado ngayon ng relasyon nina Jolo at Jodi? Wala kasing kumpirmasyong naririnig mula sa dalawa. “Naku, alam mo mahirap akong mag-comment!” nangiting sagot ni Congresswoman Lani. “Mas mabuting silang da- lawa talaga ang kausapin ninyo.”

May nabanggit si Jodi sa isang panayam ng The Buzz recently na inspirasyon nito si Jolo. Hanggang do’n na lang daw ang puwedeng masabi ng aktres. “Well let’s take it from there. Let’s respect Jodi kung anuman ‘yong sinabi niyang mga salita. And let’s take it from there.”

Kagaya ni Jodi, marami na ring pinagdaanan si Jolo pagdating sa pag-ibig. Nag-fail rin ito sa ilang mga nau- nang pakikipagrelasyon.

Bilang ina, ano ang nagiging advice niya kay Jolo kaugnay ng usaping pampuso?

“I think the best, a… ang pag-ibig kasi hindi mo masabi kung ito na nga o siya na nga. Kung sinuman ang mamahalin niya, sana mahalin rin siya. Sana pareho silang maging careful sa kanilang mga puso.

“Matagal ko nang kilala si Jodi. Matagal ko na siyang kakilala. Uhm… sinabi ni Jolo kasi, parehas kami ng ugali.

“Basta ang masasabi ko lang kay Jodi… thank you sa pagsuporta niya kay Jolo sa lahat ng larangan. Mapa-showbiz at mapa-politika.

“I know what’s in her heart. Ano lang… I’ll just pray for her. I’ll just pray for her.

“Malaking hamon para sa kanilang dalawa ito. Basta ipinapanalangin ko silang dalawa.

Paano kaya kapag talagang nagkatuluyan nga sina Jolo at Jodi. Hindi pa yata annulled ang kasal ng aktres sa asawa nitong si Panfilo Lacson Jr.? “Alam mo, ayokong pag-usapan ‘yan, e. Kasi no’ng nagsisimula ‘yan, sinabihan namin siya (Jolo) na ‘yon nga… be careful with his heart.

“Pero alam mo, hindi ko madidiktahan ang puso ng anak ko, e. Katulad ng mga nakaraang pag-ibig sa buhay niya,  nandiyan lang kami bilang mga magulang para pagsabihan siya at gabayan.

“Pero para panghimasukan… hindi. Masakit kapag nakikita mong nasasaktan rin at pinipigilan ng anak mo ‘yong pag-ibig. E… matanda na siya.  Alam na niya ‘yon.”

Pero sa tingin niya, masaya naman ngayon?

“A… nakikita ko sa kanya na masipag siya. Inspired siya.”

Parang sila ni Senator Bong na inspired sa isa’t isa?

“Inspired na inspired talaga kami!” natawang panghuling nasabi ni Congresswoman Lani.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply