ICC letter coding

SINIMULAN noong Martes Setyembre 3, ang bagong patakaran sa pagkuha ng Import Commodity Clearance (ICC) sticker para sa mga helmet.

Ito ay bukod sa number coding na nauna ng ginawa ng Department of Trade & Industry (DTI).

UNANG LETRA NG APELYIDO (BUWAN NG APLIKASYON)
A – F (SETYEMBRE)
G – O (OKTUBRE)
P – Z  (NOBYEMBRE)

Tuloy pa rin po ang number coding scheme sa pagkuha ng ICC sticker. Bukod sa valid I.D. tulad ng driver’s license, PRC, SSS, etc. ay magdala rin ng kopya ng inyong O.R./C.R. para doon ay makita kung anong ending plate number ng inyong motorsiklo.

Sa mga bumili ng brand new motorcycles na wala pa ang plaka, inyong sundin lamang ang letter coding. Para naman sa mga back rider na hindi nagmamay-ari ng motorsiklo ay ipadala niyo na lang ang inyong helmet sa inyong inaangkasan upang dalhin sa DTI.

Mas maganda kung samahan niyo na lang siya. Ito ay ayon kay Ms. Amy Tuvera, Service Provider ng DTI. Sa mga karagdagang tanong ay puedeng tumawag sa DTI Direct line 7513330 at 0917-8043973.

*****

ILANG araw na sigurong umiikot ang mga tumbong nila SPO4 Jose de la Pena at PO3 Resty del Rosario ng QCPD.

Akalain ba nilang anak ni PNP-HPG Chief  at bagong hirang na NCRPO head C/Supt. Leonardo Espina ang kanilang mabibiktima. Maliwanag na extortion ang kanilang ginawa.

Bente mil, dyes mil, tapos singko mil na lang. Hahaha!  Nakatigil lang sa Hemady St. upang tawagan ang kaibigan gamit ang kanyang cellular phone ay phone sex na daw ang ginagawa ng binata.  Asus!

Napakagaling mong pulis SPO4! Paano mo naman nalaman? Aber? Sabay tinakot ang binata kesyo tatawag siya ng media at mapapahiya lamang siya. Minaneho pa ang sasakyan ng binata papunta sa isang ATM machine. Hahaha! Aba teka, alam mo namang bawal iyan.

Dito na nagisip ang binata na tumawag sa kanyang ama. Hindi po kasi nagpakilala ang batang Espina na anak siya ni Heneral. Akalain niyo nung tanunging ni Heneral sa telepono si de la Pena kung sino siya, ang sagot e “si Pulis Joseph it.” Naaks. Pa Joseph-Joseph ka pa ha.

At nung tanungin naman ni “Joseph” kung sino ang kanyang kausap, ang narinig na lang niya ay, “si General Espina ito. Ano bang violation ng anak ko?” Hahaha!

Hindi na sumagot si “Joseph” at madaliang ibinalik ang telepono sa binata at nagmaneho pabalik sa Hemady ata at dun ay iniwan na niya ang batang Espina.

AWOL (Absence Without Leave)  si de la Pena hanggang nitong Biyernes ng tanghali. Si PO3 del Rosario naman ay lumitaw na nung Huwebes at ang kanyang alibi, “nasa mobile lang po ako at si de la Pena lang po ang kumausap sa binata.”

Sige, ipagpalagay na nating hindi mo alam kung ano ang pinagusapan nila. Pero hindi ka man lang nagtanong kung bakit si de la Pena na ang nakaupo sa driver’s seat ng sasakyan ng batang Espina?

Marahil ay nakasanayan na nitong dalawang pulis ang pangongotong.

Hanga ako sa anak ni General Espina. Hindi nagpakilala. Hindi naging arogante. Sana’y tularan ka ng lahat ng mga anak ng pulis.

*****

INIIMBITAHAN ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810khz AM.

Inaanyayahan ko rin kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo.

Sa Kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 55 at G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operator nationwide.

Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006. Salamat po!

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply