IED narekober sa isang brgy. sa Maguindanao

NAREKOBER ng mga awtoridad ang isang Improvised Explosive Device (IED) na nakatakdang pasabugin sa bayan ng Guindulungan, Maguindanao.

Batay sa paglalarawan ng awtoridad, ang naturang bomba ay gawa sa 105 mm projectile na ginamitan ng baterya ng sasakyan at isinilid sa isang sako.

Malaking pinsala sa mga istruktura at sa buhay ng tao ang posibleng idulot ng pampasabog sakaling ito ay sumabog.

Ang IED ay natagpuan sa Brgy. Macasampen, Guindulungan, Maguindanao na mabilis na nai-report ng mga residente sa 61st Recon Company.

Ayon kay 6th ID-DPAO Chief  Army Col. Prudencio Asto, mabuti na lamang at maagang nadiskubre ang naturang IED at matagumpay na na-disrupt.

Sinabi pa ni Col. Asto na maaaring gagamiting panakot ang pagtatanim ng bomba para lumikha ng kaguluhan sa lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply