Iglesia Filipina Independiente pabor sa RH Bill

MALIBAN sa Iglesia Ni Cristo (INC) naagpahayag din ng pagsuporta sa Reproductive Health Bill ang Iglesia Filipina Independiente (IFI) at hiniling din nito sa Kongreso na iprayoridad na ito.

Sinabi ni Right Reverend Felomino Ang, secretary ng Supreme Council of Bishops, na naniniwala sila na tumutugma ang key principles ng panukalang batas sa moral at social teachings ng Gospel.

Kumbinsido rin sila na hindi lamang tungkol sa moralidad ng population control ang panukala.

Kaugnay naman ng nalalapit na midterm elections sa susunod na taon, tiniyak ni Ang na malayang makapipili at hindi nila inuutusan ang kanilang mga miyembro kung sino ang dapat iboto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply