Caritas Manila magdiriwang ng ika-59 taong anibersaryo sa Sep 29

NAKATAKDANG ipagdiwang ng Caritas Manila ang kanilang ika-59 taong anibersaryo sa Setyembre 29.

Ang Caritas Manila, ang social arm ng Archdiocese of Manila, sa mga charity activity nito.

Nabatid na sentro ng anibersaryo ng Caritas Manila ang pagtataguyod ng pananampalataya ng bawat miyembro, mga benepisyaryo at donors sa pagtugon sa kanilang misyon na matulungan ang mga nangangailangan.

Kaugnay nito, upang lalo pang mapalawak ang pagtugon ng Simbahan sa mga nangangailangan tulad ng livelihood, disaster risk management program at scholarship sa mga mahihirap, magsasagawa ang Caritas Manila kasama ang church-run Radio Veritas ng “telethon” sa Setyembre 24.

Tinatayang aabot sa 1,600 scholars ng Caritas Manila ang mabebenipisyuhan ng Caritas Telethon na mapakikinggan ng live sa Radio Veritas.

Ayon kay Annalyn Julian, Caritas Manila Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) head, ang mga scholar ng YSLEP na pawang nasa kolehiyo ay nanggaling sa Archdiocese of Manila at mga Suffragan Diocese nito.

Bawat scholar aniya ay nangangailangan ng P12,000 para sa kanilang pag-aaral kung saan ang P10,000 ay mapupunta sa transportation allowance ng kabuuan ng school year at P2,000 naman ay para sa kanilang miscellaneous at libro.

Nilinaw ni Julian na hindi nagiging problema ang tuition ng mga scholar ng Caritas Manila dahil karamihan sa mga ito ay nag-aaral sa mga state at public universities sa Metro Manila.

Nabatid na layunin ng YSLEP na hubugin ang mga kabataan bilang mga youth servant leader.

Kaugnay nito, sa Setyembre 29 ay isasagawa ng Caritas Manila ang “Grand Commissioning” sa kanilang mga volunteer sa Cuneta Astrodome habang sa Oktubre 12 naman ay inaanyayahan ng Caritas Manila ang publiko na manood ng “King and I” sa Resorts World Manila kung saan ang kikitain dito ay gagamitin nila sa mga programa nila para sa mga kapuspalad.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply