Ilang ekonomista hindi kumbinsido sa paglago ng ekonomiya ng Pinas

MASAMANG panahon.ang nakikitang dahilan ni dating Budget Secretary at batikang ekonomista na si Ben Diokno sa bahagyang pagbaba ang antas ng ekonomiya ng bansa kumpara sa inaasahan.

Bagamat tumaas sa 5.9% ang Gross Domestic Product (GDP) ekonomiya, mababa pa rin ito sa paningin ng ilang ekonomista dahil sa naganap na kalamidad na siyang dahilan ng mabagal na pag-ahon sa hanay ng imprastraktura ng bansa.

Nauna rito, iniyahag ni Socio-Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan na lumakas ang ekonomiya ng bansa pagdating sa negosyo, employment at government spending.

Nabatid na kumpara noong 2011, 3.6% lamang ang economic rate ng bansa.

Matatandaan na ikinatuwa ng Malacañang ang paglago ng ekonomiya sa second quarter ng taon dahil tumaas ng 5.9% ang ekonomiya ng bansa mula sa dating 3.6% sa kaparehong period noong nakaraang taon.

Ayon kay Communications Sec. Ricky Carandang, kontento sila sa nasabing economic performance ng bansa dahil nalagpasan nito ang
market expectations.

Maituturing na pinakamataas itong paglago sa buong rehiyon sa kabila ng global economic downtrend.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply