Ilang gate ng 4 na dam sa Luzon nakabukas

NANANATILI pa ring nakabukas ang ilang gate sa apat na dam sa Luzon.

Ayon sa Hydromet Division ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakabukas ng tig-tatlong metro ang dalawang gate ng Magat Dam na may water level na 191.48 meters.

Nakabukas naman ng .6 meters ang isang gate ng Binga Dam na may water level na 574.66 meters.

Samantala, nakabukas pa rin ang tig-isang gate ng Angat at Ipo Dam.

Ang pagbubukas sa mga naturang gate ay bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyong Lawin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply