Ilang kawani ng Napolcom nagkakasakit

DAHIL sa hindi maayos na bentilasyon na bunsod ng isang buwan nang pagkakasira ng centralized air conditioning unit, dumaranas na ng pagkakasakit ang ilang kawani ng National Police Commission
(Napolcom).

Ang hypertension at pneumonia ang ilan lamang sa mga sakit na dinaranas ng mga kawani kung saan isa sa mga kawani ang na-stroke habang nasa loob ng mainit na tanggapan at kasalukuyan ngayong nakaratay sa Makati Medical Center (MMC).

Bagama’t tiniyak ng mga commissioner na babalikatin ng komisyon ang malaking halaga na gugugulin sa pagpapagamot sa na-stroke na kawani, plano na umano ng mga opisyal na ilipat ito sa mas murang pagamutan dahil sa laki ng magagastos. Umabot na umano sa P180,000 ang pang-unang binayaran ng Napolcom sa MMC.

Ayon sa mga nagrereklamong kawani, hiniling na nila sa mgacommissioner na bumili na lamang ng window type air condition sa halip na ipaayos ang nasirang centralized air condition lalo na’t sa Estados Unidos pa umano magmumula ang kailangang piyesa.

Humirit na rin ang empleyado na kung maaari ay tig-kalahating araw lang muna ang pasok sa mga apektadong tanggapan hangga’t hindi nagiging maayos ang bentilasyon subalit tinanggihan umano ito ng pamunuan.

Nangangamba ang mga kawani na dumami pa ang mga dapuan ng karamdaman sa kanilang hanay sa oras na hindi pa umano nagawan ng paraan na maibalik sa maayos na kondisyon ang bentilasyon ng kanilang mga
tanggapan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply