Ilang lugar sa ARMM binaha

NALUBOG sa baha ang ilang lugar sa ARMM dahil sa walang humapay na pag-ulan na naranasan sa rehiyon.

Nabatid na daan-daang mga sakahan sa lalawigan ng Cotabato at Maguindanao ang naapektuhan ng baha.

Sa Pigcawayan, North Cotabato, inanod ng baha ang mga aning palay ng mga magsasaka matapos hindi nailigpit ang mga ito dahil hindi inasahan ang pagbagsak ng ulan simula pa noong mga nakaraang araw.

Bukod dito, nagkaroon din ng flashflood sa ilang lugar.

Hanggang kagabi naranasan ang malakas na buhos ng ulan sa Cotabato City at mga karatig lugar.

Patuloy naman ang monitoring ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC)-ARMM sa mga lugar na madalas bahain sa rehiyon.

Sinabi ni RDRRMC ARMM chief Loreto Rirao na binabantayan nila ang mga low-lying area at mga coastal area sa ARMM na madalas sinasalanta ng mga pagbaha at landslide.

Binigyang-diin naman ni Rirao na may sistema na silang ginagawa para masigurong makatatanggap ng update ang local Disaster Risk Reduction and Management Council at makapaghanda.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply