Ilang oil companies, nagpatikim ng rollback

NAGPATIKIM ng kakarampot na rollback ang ilang kompanya ng langis sa kanilang mga produkto simula kaninang 12:01 ng madaling araw.

Tinapyasan ng 90 sentimos ang presyo ng kada litro ng premium at unleaded gasoline ng Petron, Seaoil at Eastern Petroleum.

Nagbawas din ng 20 sentimos sa kada litro ng kanilang regular gasoline.

Pero, aabot naman sa piso ang ibinawas ng Unioil sa presyo ng kada litro ng kanilang Quantum at unleaded gasoline.

Kaninang alas-6:00 ng umaga ay nagrolbak din ng 90 sentimos sa premium at unleaded gasoline at 20 sentimos sa regular gasoline ang Phoenix Petroleum, Total at PTT.

Wala namang inaasahang paggalaw sa presyo ng diesel.

Muling iginiit ng naturang mga oil company, ang rollback ay dahil pa rin sa pagbabago sa presyuhan sa world market.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply