Ilang piloto ng Aviatours planong umalis

PINAPLANO na ng ilang piloto ng Aviatours sa Mactan Cebu, na umalis dahil sa iginawad na suspensiyon sa kompanya  .

Ayon sa Training Director ng Aviatours Flying School  na si Captain Antonio Jureidini, lubhang apektado na ang financial income ng kompanya kaugnay ng suspension ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Matatandaan na sinuspinde ng CAAP ang operasyon ng Aviatours matapos bumagsak ang isang eroplano nito na ikinamatay ni DILG Secretary Jesse Robredo at dalawang piloto na sina Captain Jessup Bahinting at Nepalese
co-pilot na si Kshitiz Chand.

Ayon kay Jureidini, anim sa kanilang dayuhang piloto ang planong umalis sa kompanya dahil wala na itong kinikita matapos ang suspension sa kanilang operasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply