Ilang probisyon ng anti-cybercrime law ipinababasura sa SC

HINILING ng limang indibiduwal sa Supreme Court (SC) na ipawalang-bisa ang Section 4, 6, 7, 12, at 19 ng kontrobersyal na Cybercrime Prevention Act of 2012 o Republic Act 10175.

Sa 31-pahinang petition for certiorari and prohibition with prayer for a temporary restraining order na isinampa sa SC, iginiit nina Jose Disini, Jr.,Rowena Disini, Lianne Ivy Medina, Janette Toral at Ernesto Sonido na ang mga nasabing probisyon ng naturang batas ay labag sa fundamental rights na protektado ng 1987 Constitution.

Hiniling ng mga petitioner na pigilan ang kalihim ng Department of Justice, Department of the Interior and Local Government, Executive Director ng Information Communications Technology Office, National Bureau of Investigation at Philippine National Police sa pagpapatupad ng mga nabanggit na probisyon ng Cybercrime Act.

Paliwanag ng mga petitioner, labag sa karapatan laban sa double jeopardy ang Section 6 at 7 ng nasabing batas dahil dinoble nito ang parusang pagkakakulong kaugnay sa paglabag sa umiiral ng penal laws nang dahil lamang sa ito’y isinagawa sa pamamagitan ng paggamit ng information and communications technologies.

Labag naman anila sa karapatan laban sa unreasonable searches and seizure at right to the privacy of communications ang Section 12 ng cybercrime law na nagbibigay ng permiso sa NBI at PNP na mangolekta ng mga impormasyon mula sa cellular, data, mobile, internet at computer communications ng walang basbas ng korte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply