Ilang probisyon ng anti-cybercrime law ipinapawalang-bisa sa SC

KINUWESTIYON sa Korte Suprema ang ilang probisyon ng Republic Act 101-75 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ito ay sa inihaing petisyon ng negosyante at taxpayer na si Louis “Barok” Biraogo kung saan hiniling nila na pigilin ng Korte Suprema ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng ilang probisyon ng nasabing batas.

Sa 28-pahinang petition for certiorari, prohibition, injunction at preliminary injunction, partikular na hiniling ni Biraogo sa Korte Suprema na magpalabas ng temporary restraining order o writ of preliminary injunction para mapigilan ang pagpapatupad ng Section 4, Section 12 at Section 20 ng batas, gayundin ang penal provision nito.

Sa ilalim ng Section 4, ginagawang krimen ang libel hindi lamang sa internet kundi maging sa kaparehong medium na maaaring magamit sa hinaharap.

Labag daw kasi ang nasabing mga probisyon sa freedom of speech, freedom of expression, freedom of the press at peaceful assembly at sa Bill of Rights.

Iginiit din ng petitioner na nagkaroon ng grave abuse of discretion sa panig ng Kongreso nang aprubahan nito ang pagpasa ng anti-cybercrime law, gayundin si Pangulong Aquino nang lagdaan niya ito bilang ganap na batas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply