Iligal na sugal sa Rosario, Cavite at Valenzuela City

HINDI totoo ang ipinangangalandakan ni Cavite PNP Provincial Director S/Supt. John Bulalacao na ipinatigil na ang iligal na sugal sa nasabing lalawigan dahil sa utos ni C/Supt. James Andres Melad.

Sa Rosario, Cavite lang ay tatlong beses kada araw binobola ang jueteng!

Dati ay sa likod mismo ng palengke ito binobola, ngunit inilipat sa Ligtong, pero kamakailan lang ay ninilipat ito sa likuran mismo ng brgy. hall ng Brgy. Bagbag-1.

Maging ang sugal na poker ay talamak din dito.

Si Rudy Marikina ang nakaprente sa jueteng, samantalang sa poker naman ay si Amboy Buhain. Ngunit madalas umanong ipinangangalandakan ni Amboy na ang tunay na utak ng mga iligal na sugal na ito ay isang SB member na anak ni Rosario, Cavite Mayor Nonong Ricafrente.

Aha, kaya naman pala walang tinag dahil pader ha?

Ibig bang sabihin, parekoy, takot sina Gen. Melad at Col. Bulalacao sa mga Ricafrente?

O nakapatong lang sila?

Pero huwag nilang susubukan, parekoy, si PNP Chief Nicanor Bartolome at bagong upo na DILG Sec. Mar Roxas!

O sinusubukan na nga?

Hak, hak, hak!

-o0o-

TATAKBO na raw na senador si Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian dahil ito ang udyok ng mga tagasuporta.

Kahuntahan natin ang ilang tauhan ni Mayor Gatchalian kaya nalaman ko na ang mga tagasuporta pala na binabanggit nila ay sina “Boyet kalabaw” at isang alyas “Toti.”

Hehehe, may kalokohan din itong mga tauhan ni Mayor.

Aba, eh, ang Boyet kalabaw pala na kanilang tinutukoy ay ang kasalukuyang namamayagpag na lotteng lord sa Valenzuela City, at si alyas “Toti” ang utak sa lahat ng sugal sa mga “pwesto pijo” rito.

Tinatawagan natin ang pansin ni NPD Dir. C/Supt. Antonio Decano, kung ako sa inyo, sir, ay dambahin na ninyo ang dalawang ‘yan habang hindi pa senador si Gatchalian! Hak, hak, hak!

Baka maunahan ka pa ng mga tauhan ni Gen. Espina!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking prog-ramang  “Alarma Kinse Trenta” (Monday-Friday, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply