Illegal recruiter, arestado sa kanyang travel agency

ARESTADO ang isang 69 anyos na iligal recruiter sa isinagawang entrapment operation ng mga awtoridad sa kanyang Travel Consultancy agency sa Malate, Maynila.

Kasalukuyang nakakulong ngayon sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang suspek na si Fulgencio Fortich, walang asawa, self employed sa D3 Kings Travel Consultancy, tubong Davao City at nakataira sa 919-F San Antonio St., Malate, Maynila.

Sa report ni SPO2 John Cayetano, nagreport ang complainant na si Alejandro Gosmo, 35, company driver ng Natural lite, residente ng B50 L 10 South Square General Trias, Cavite City sa kanilang tanggapan dahil sa sunod-sunod na panghihingi sa kanya ng pera ng suspek.

Nauna rito, pinangakuan umano ni Fortich si Gosmo na makapagtatrabaho sa bansang Australia at tatanggap ng sweldong $4,000 kada buwan.

Naenganyo naman ang biktima ay nagsimulang magbigay ng pera sa suspek na umabot sa halagang P80,000 para sa pagproseso umano ng kanyang dokumento.

Nang mapansin ng biktima na walang development ang ipinangakong trabaho sa kanya ng suspek sa Australia ay nagpasaya magreklamo sa pulisya at pinayuhan itong iberipika sa POEA kung legal ang agency ng suspek kung saan lumabas sa resulta ng beripikasyon na No Record Per Data Base ang D3 Travel Consultancy Agency ng suspek.

Bunsod nito, muling bumalik ang biktima sa MPD-GAIS at agad na isinagawa ang entrapment operation dakong ala 1:35 kahapon kung saan nakatakdang magkita ang biktima at suspek upang ibigay ang karagdagang hinihinging P1,000 na ginamit naman sa entrapment operation.

Sasampahan naman ng kaukulang kaso ang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply