Illegal logging sa Basilan, ipinatitigil ng obispo

NAIS ng isang lider ng Simbahang Katoliko na maimbestigahan ang talamak na illegal logging sa watershed ng Lamitan City sa Basilan.

Ayon kay Isabela Bishop Martin Jumoad, dapat na protektahan ng pamahalaan ang watershed mula sa anumang illegal na aktibidad na magiging dahilan upang makumpromiso o masira ang 13-hektaryang forest reserve.

Sinabi ng Obispo na nakakaalarma ang naturang illegal logging activities at umaasa sila na maipapatigil ito sa lalong madaling panahon.

Nanawagan rin si Jumoad sa mga provincial officials na magpadala ng mga tauhan upang mag-imbestiga dito.

“This is alarming. We are hoping that this will be stopped. We are calling on our provincial officials to send people that will investigate this matter,” pahayag pa ni Jumoad, sa panayam sa radyo.

Nagpahayag rin naman ng pangamba ang Obispo na ang illegal na pamumutol ng mga puno sa naturang watershed ay maging dahilan ng pagkakaroon ng flash floods sa Basilan.

Umapela rin si Jumoad sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na makialam na sa isyu upang mahadlangan ang lalo pang pagkasira ng lugar partikular na ang mga barangay ng Arko at Libertad Lomoton.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply