Illegal terminal sa Edsa sanhi ng matinding trapik

ANONG  cash-unduan mayroon ang Metro Manila Development Authority (MMDA), Quezon City Police –District Traffic Enforcement Unit (QCPD-TEU), Department  of Public Order and Safety (DPOS) ng  Quezon City sa isang grupo ng mga FX Transport  na gumagawa ng kanilang  iligal na terminal sa may EDSA/Muñoz sa lungsod Quezon City?

Ang iligal na terminal na pag-aari umano ng grupo ng Christ  the King Commuters Carrier, Inc. ay nagdudulot ng matinding trapik sa  may kahabaan ng EDSA dahil ito ay nasa  kahabaan mismo ng  EDSA   malapit sa may simbahan ng Iglesia ni Kristo.

Ang dahilan umano ng pagka-buhol-buhol ng trapiko sa nasabing lugar ay dahil sa mga  nakaparadang FX sa iligal na terminal.

Ayon sa reklamo na nakarating sa Lily’s Files, hindi umano hinuhuli ng mga tauhan ng MMDA, DPOS at ng  QC-DTEU ang mga FX transport na naghihintay ng mga pasahero sa nasabing lugar.

Magkano kaya ang naging  cash-unduan dito para malayang makapaglagay ng iligal na terminal ng FX transport sa EDSA ang nasabing grupo na ayon sa ating source ay  pinamumunuan umano ng anak ng  isang Congressman?

Eh, kaya naman pala malayang nagagawa ng nasabing grupo ang kanilang gusto dahil ginagamit ng mga ito ang impluwensiya ni  Mr.  Tongressman.

Sinasabing nagpakita umano ang nasabing grupo ng isang papel na sila ay binigyan ni Brgy. Chairman Fermalino ng permit para maglagay ng terminal sa may kahabaan ng EDSA.

Ayon sa nakuhang dokumento ng Lily’s Files, mahigpit na itinanggi ni Barangay Chairman Eduardo Fermalino, ng Brgy. Ramon Magaysay, na siya ay nagbigay ng  permit sa Christ the King  Commuters Carrier, Inc na maglagay ng terminal ng kanilang mga  FX Transport  sa EDSA.

Sa nasabi pa ring dokumento ay  napag-alaman na ang One Pull Community Transport Services lang ang binigyan ni Brgy. Chairman Fermalino ng permit para maglagay ng kanilang terminal sa may  EDSA/Muñoz, Brgy. Ramon Magsaysay, Quezon City.

Sa kabila umano ng mga reklamo ng mga commuter sa  tindi ng trapik sa nasabing lugar ay parang walang nakikita ang mga tauhan ng MMDA, DPOS at QCP-DTEU .

Nakabubulag at nakabibingi  ba talaga ang “PERA” at binabalewala lang ng mga nasabing tanggapan ng pamahalaan ang reklamo ng mga commuter?

MMDA, DPOS at QCP-DTEU, magkano ba ang naging  cashunduan ninyo rito para maglagay ng iligal an terminal ng FX Transpoprt sa may kahabaan ng EDSA sa may tapat ng  Iglesia ni Kristo.

Bukas po ang Lily’s Files para  sa inyong mga reklamo, suhestiyon  at komento, mag-text lang po sa  09155683000 at 09087230036 o kaya ay mag-email lamang sa… lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply