Balitang on the rocks ang marriage nina Judy Ann, Ryan Agoncillo imbento lang

HINDI naman natin sinasabing perfect ang relasyon ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

May mga pagkakataon rin naman na nagkakatampuhan ang dalawa pero ang maganda naayos din naman agad-agad.

Pero ‘yung isyung pinalalabas ng iba riyan na dinadaan pa sa blind item na on the rocks na ang marriage nina Ryan at Juday dahil may bagong babae na raw ang host/actor at hindi na raw nito tinatabihan ang kanyang misis, halata namang intriga o imbento lang.

Kumbaga, lumang-luma na ang isyu dahil iniugnay rin noon si Ryan sa dating Dabarkads co-host sa Eat Bulaga na si Diana Menezes pero hindi nagtagumpay ang mga ito na paghiwalayin ang mag-asawa.

Sabi nga ng taong nakausap namin na kakilala si Ryan, one woman man ang TV host kaya imposible na magloko ito. Saka pagdating naman kay Juday, maasikasong misis naman ang aktres kaya wala raw talagang problema pagdating sa married life ng showbiz couple.

Another thing, magmula ng mag-asawa si Juday, nagkaroon na siya ng limitations sa mga role na kanyang tinatanggap specially when it comes to love scenes. Ayaw kasi niyang pag-awayan pa nila ni Ryan ang bagay na ‘yan kaya siya na mismo ang gumagawa ng way para huwag itong mangyari.

So, magagawa pa bang mambabae ni Ryan kung ganyan kabait at katapat sa kanya ang kanyang legal wife? I’m convinced gyud! (Men, by nature are polygamous.

I’m not saying that Ryan happens to be an inveterate womanizer. Kaya lang, di siyempre nawawala sa mga lalake ang ‘umeksena’ paminsan-minsan. – Ed)

***

Gov. Vilma hectic man ang schedule may time para kay Mama Mary

DEBOTONG katoliko ang mga parents ni Batangas Gov. Vilma Santos at deboto rin ang actress-politician ng Birheng Maria. Kaya naman sa buhay at career ni Ate Vi, kasama parati ang Nasa Itaas.

Importante kasi ang spiritual na bagay sa atin lalo na’t kung gusto mong may gumagabay sa iyo para sa tamang landas. Kita nyo naman, 50 years na sa showbiz ang Queenstar for all Seasons and still, kumikita pa rin ang kanyang mga pelikula at may mga endorsements pa on the side.

Higit sa lahat, marami ang pumupuri sa maayos at tapat na serbisyo niya bilang gobernadora ng Batangas. Kaya naman kahit na siraan pa siya nang siraan ng kanyang mga kalaban sa pulitika ay siya pa rin talaga ang ibinoboto ng mga Batagueno dahil ramdam nga nilang lahat ang pagmamahal ng isang Vilma Santos-Recto.

Anyway, sa September 8, Sabado, para mas mapag-isa at lalong malapit ang mga constituents sa Itaas, pangungunahan ni Gov. Vi at arsobispo ng Lipa na si Arcbishop Romeo Arguelles ang fluvial procession sa paligid ng Ta-al Lake at magsisimula ang prusisyon ng alas-sais ng umaga.

Ayon pa kay Ate Vi na excited na sa event na handog nila para sa kaarawan ng Mahal na Birheng Maria, sa araw na ito talagang magiging masaya at makulay ang kanilang fluvial procession dahil bukod sa imahen ng Nuestra Senora de Casaysay na sakay sa main boat, bawat bangka na kasama sa nasabing prusisyon ay may dala ring replica ng imahen ng Birhen.

Ito ay bilang pasasalamat na rin nila sa mapaghimalang birhen na matagal nang panahong nakalagak sa Basilica sa Taal.

Sa kasaysayan, pinaniniwalaan ng lahat nang mga Batagueno na Siya ang nakapagpatigil at nagbibigay ng proteksyon sa kanila sa pagsabog ng bulkang Taal.

Siyempre pa, pasasalamat na rin nila ito dahil sa hindi naapektohan ang lugar nila sa kalamidad na nangyari kamakailan dulot ng hanging habagat.

Tunay ngang nagmimilagro ang mahal na birhen sa bayan ni Gov. Vilma Santos.

By the way, after ng procession ay may mga booth na nakapwesto sa bawat bayan na magtitinda ng mga kakanin at

iba’t-ibang produkto kasama na ng mga souvenir sa Batangas. Nag-imbita pala si ate Vi ng mga close sa kanyang entertainment press at kabilang na kami riyan nina BFFT Pete A. at kaibigang Abe Paulite. See you there gyud!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply