Imbestigasyon vs Puno ibinasura na

WALA nang balak ang Kamara na ituloy ang imbestigasyon  kay dating DILG Undersecretary Rico Puno kaugnay sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan nito.

Kinumpirma ito ni AGHAM Partylist Rep. Angelo Palmones nang sabihin niyang hindi na nila iimbestigahan si Puno dahil wala na siyang maaaring itanong pa gayundin sina Antipolo Rep. Romeo Acop at Cebu Rep. Pablo John Garcia kasunod ng isinasagawang imbestigasyon ni Senadora Miriam Santiago.

Maliban aniya kung mayroong magrereklamo ay siguradong  ibe-ventilate na lamang ito sa ibang forum na pwedeng magbigay ng conclusion .

Sa ngayon, mayroon na umanong mga panukalang amienda sa procurement law base sa karanasan ng Philippine National Police (PNP) at mayroon na rin silang aksyon ukol dito.

Kasabay nito ay inamin ni Palmones na Hulyo pa lamang ay mayroon nang tumatawag sa kanya upang hikayatin siyang pabayaan na lamang ang proseso ng procurement law subalit mas nais umano nitong pakinggan ang PNP at complainant.

Tungkol naman sa pagbili ng baril ay sinabi ni Palmones na ipinagpaliban na ang pagbili sa mga armas upang marepaso ang proseso.

Ayaw din ni Palmones na ang Kongreso ay magamit ay  ng ilang grupo sa pamahalaan na nagbabangayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply