Imbestigasyon vs Puno walang basehan – JPE

KINUKUWESTIYON ngayon ni Senate President Juan Ponce Enrile ang ipinatawag na imbestigasyon ni Senador Miriam Defensor Santiago laban kay resigned Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Rico Puno.

Ayon kay Enrile, puwedeng magkaroon ng legal question ang ipinatawag na imbestigasyon ni Santiago dahil wala itong basehan na resolusyon o privilege speech man lang.

Wala rin umanong pinagbasehang panukalang batas ang ipinatawag na imbestigasyon kaya’t kuwestiyunable ang hurisdiksyon ng Committee on Constitutional Amendments, Revision of Laws na pinamumunuan ni Santiago.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply