Imulat sa kabataan ang kagandahang asal

NASA makabagong panahon na tayo ngayon, hinahanap hanap pa rin natin ang mga nakagawian at ang mga salitang nagbibigay galang lalo na sa mga matatanda.

Ayon kay Aida Baybayin Bungue (Segment Host ng Payo at Aral), “Ang mga kabataan ang pag–asa ng bayan.” Sila ang inaasahang magtutuloy ng mga bagay na pinasimulan ng mga nakatatanda. Subalit parang ‘di natin ito naririnig sa kanila lalo na sa panahong kasalukuyan? Nasabi ko ito sapagkat, bihira na lamang akong makarinig ng mga batang marunong magsalita ng “po at opo.” Ang mga kabataang ito na hinuhubog sa mabuti upang magtamasa ng magandang mga bagay na salita ang isasagot sa iyo.

May mga kabataang pabalang sumagot, walang “po at opo” at higit sa lahat ay wala ng ni katiting na paggalang. Lubhang nakaaalarma ang mga ganitong gawi ng mga kabataan.

Nararapat na bigyang pansin ang bagay na ito. Imulat natin sila sa magagandang asal na dati na nating ginagawa. ‘Di sila dapat na makalimot sa pagsasalita ng may paggalang.

Subaybayan natin ang mga pag–uugali na unti–unti nang nakalilimot sa kagandahang asal. Tayong nakatatanda ang dapat na mag–ingat sa mga kaugaliang ito.

Sanayin natin sila sa bawat sasabihin nila may pag-galang sa kausap o magagalang na pananalita habang hindi pa huli ang lahat at mapanunumbalik natin ang magandang kaugalian nating mga Filipino, na pilit binubura ng makabagong panahon natin sa kasalukuyan.

Mahalaga pa rin ang mga salitang “po at opo” hindi ito dapat mawala. Panatilihin natin ito upang palaging isabuhay ng bawat batang Filipino na nagmamahal sa kagandahang asal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply