Inaanay na sapatos at damit ni Imelda mananatili sa National Museum

MANANATILI sa National Museum ang mga damit at sapatos ni dating Unang Ginang Imelda R. Marcos na “nginata” na ng anay at tadtad na ng mantsa.

Ayon kay  Undersecretary for the Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Manuel Quezon III, wala silang balak na ilipat sa ibang museum ang mga sapatos at damit na koleksyon ng Unang Ginang kahit pa pinagpipiyestahan na ito ng mga anay.

Si Mrs. Marcos ay kilala na nangongolekta ng mga mamahaling sapatos noong nakaupo pa sa puwesto ang kanyang namayapang mister na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Napatalsik sa puwesto ang diktaduryang Marcos ng EDSA People Power noong 1986 kung saan ang mga koleksyon ni Mrs. Marcos na sapatos at damit ay hindi nito nabitbit.

Kabilang sa  mga nasirang sapatos ni Mrs. Marcos ay ang pares ng sapatos na puting Pierre Cardin heels,  habang ang ibang sapatos nito ay may mga mantsa na.

Tinatayang mahigit sa 150 kahon ng damit, dress accessories at sapatos ng mga Marcoses ang inilipat sa National Museum para sa  safekeeping sa loob ng dalawang taon matapos anayin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply