Inambus na mayor ng La Union, nakaligtas

NAKALIGTAS sa tiyak na kapahamakan ang municipal mayor ng La Union matapos ambusin ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan sa nasabing bayan kaninang madaling araw.

Sa katunayan, hinabol pa ni Tubao municipal mayor Dante Garcia sa pamamagitan ng kanyang minamanehong kotse ang sasakyan ng mga suspect na isang kulay maroon ng Toyota Innova na hindi nakuha ang plaka pero hindi niya ito inabutan.

Dahil dito, nagkasa naman agad ng mga checkpoints at manhunt operations laban sa mga suspect ang lahat ng unit ng kapulisan sa ikalawang distrito ng La Union PNP laban  matapos ang pagtatangkang pagpatay kay Garcia.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pang-aambus dakong alas 5:30 ng madaling araw sa Aspiras national highway sa Barangay Lloren sa Tibao, La Union.

Bago ito, minamaneho ng biktima ang kanyang kotse at tinatahak ang national highway nang biglang unahan at paputukan ng mga suspect na sakay sa kanilang van.

Sa kabutihang palad, ni galos ay hindi tinamaan si Garcia pero limang bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril  ang tumagos sa kanyang sasakyan.

Sa ngayon, hindi pa matukoy ng awtoridad kung ano ang motibo sa bigong pamamaslang sa alkalde pero nagkakasa na ng mas malalim imbestigasyon upang malaman ang pagkakakilanlan ng mga suspect.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply