Indian national hinoldap sa tapat ng NBI

TINATAYANG aabot sa halagang P31,000 halaga ng cash at cellphone sa isang Indian national ang natangay nang holdapin ng dalawang kawatan sa tapat ng tanggapan ng  National Bureau of Investigation (NBI) sa Ermita, Maynila kagabi.

Personal na dumulog sa tanggapan ng Manila Police District (MPD)-General Assignment Section (GAS) ang biktimang si Sebastian Kuzhuppilley, 57, may-asawa ng 1422-A corner Metrica at Maria Clara Sts., Sampaloc, Manila.

Ang suspek ay inilarawan na may taas sa pagitan ng 5’7 hangang 5’8, matitipuno ang pangangatawan at armado ng di nabatid na baril na tumakas matapos ang insidente.

Sa report ng MPD-GAS, dakong 10:30 ng gabi nang naganap ang panghoholdap sa tapat ng Cathedral of Praise, tapat ng NBI sa Taft Ave., Ermita, Maynila.

Ayon sa biktima, naglalakad siya galing sa Robinson’s nang pagsapit sa nasabing lugar ay dinikitan siya ng mga holdaper.

Agad na tinutukan ng baril at hinawakan ang kamay sabay deklara ng holdap
at puwersahang kinuha ang kanyang kulay brown na wallet na naglalaman ng P20,000 cash, mahahalagang dokumento at Nokia 5530 na nagkakahalaga ng P11,000.

Tinangka umano nitong pumalag kaya napasubsob ito sa semento sa kahabaan ng Taft Ave., tapat ng NBI kung saan bakas pa ang pasa sa tenga at kamay, hanggang sa nakatakas ang mga suspek.

Matapos ang insidente ay nagreport ang biktima sa MPD-PCP EAC na sinabihan na magreport sa MPD-Headquarters.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply