‘Indio’ ni Bong Revilla tuloy na!

TULUY-TULOY pa rin ang pagti-taping ni Sen. Bong Revilla ng kanyang top-rating infotainment program, ang Kap’s Amazing Stories, kahit magiging busy siya sa pagpasok niya sa soap opera na may titulong “Indio.”

Balitang early 2013 pa ipapalabas ang Indio kung saan makakasama ni Bong sina Jennylyn Mercado at Maxene Magalona pero ngayon palang ay magsisimula nang mag-taping ng mid of September para maraming pondo in case na maging busy na si  Bong bilang public servant sa Senado.

Bukod pa rito, maaagang nagsimula na rin ang actor/politician ng kanilang filmfest entry kung saan kasama niya sina Vic Sotto at Judy Ann Santos.

Ngayong  Sunday naman, patuloy na mapanonood ang mga hayop na naninirahan sa living planet sa continent ng Asia at Australia.

000

PAMPAGANANG tsumayaw tsumunod ang ating ihahataw kasama sina Joshua Dioniso at Barbie Forteza at Bela Padilla with Onyok Velasco!

Tutukan rin ang pinakabagong inaabangan ng bayan, ang KKK – Kering Keri Kaya? Isang simpleng hamon gamit ang piso katumbas ang isang daang libong piso! Kayanin kaya ng maswerteng Kapuso?

Kilalanin ang babaeng sumikat sa isang viral video sa YouTube! Ang babaeng ito, may konek pala kay Ninong Manny!

Siya si Zendee Rose, ang kanyang talento at kung ano ang kinalaman sa kanya ni Ninong Manny, masasaksihan natin ngayong Linggo!

At ang buong bansa, Luzon, Visayas at Mindanao, maglalaban-laban sa ngalan ng isang milyong piso sa Easy Manny game kasama si Ninong Manny!

Mas masayang hapon at mas malaking sorpresa!  Mapanonood pagkatapos ng Party Pilipinas.

000

‘Alkansya’ ng I-Witness wagi sa 9th Lasallian Scholarum Awards

KINILALA bilang Outstanding Televised Feature Story ang I-Witness documentary ni Kara David na “Alkansya” sa 9th Lasallian Scholarum Awards na ginanap last August 29 sa Makati Shangri-La Hotel.

Tampok sa nasabing dokumentaryo ang kuwento ni Anthony, dose anyos na mula sa Eastern Samar. Sa kanyang murang edad, namulat na siya sa hirap ng buhay. Sa umaga ay pamimingwit ng isda at pangongolekta ng sea shells ang kanyang pinagkaka-abalahan. Sa hapon naman ay nagpupunta siya sa kabilang bayan para magtrabaho bilang isang car wash boy.

Pero ang pinakamahirap na trabaho ni Anthony ay ang trabaho niya sa gabi. Habang ang ibang tao ay himbing na natutulog, siya naman ay walang pagod na lumulusong sa ilalim ng dagat para maghanap ng sea cucumber na ginagamit sa pagluluto at pagtitimpla ng mga traditional Chinese food at medicines.

Sa kabila ng kanyang paghihirap, barya-barya lang ang kapalit nito na siya namang itinatabi ni Anthony sa kanyang alkansya. Pangarap kasi niyang makapag-ipon nang sapat na pera para balang araw ay makapagtapos ng pag-aaral.

Ayon kay Kara David, “Espesyal po ang dokumentaryong ‘Alkansya’ sa aking I-Witness team at sa akin personally dahil tumatalakay ito sa dalawang isyu na malapit sa aking puso: child labor at edukasyon.”

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply