Indonesian national timbog sa pagpupuslit ng droga sa NAIA

TIMBOG ang isang babaeng Indonesian nang nahulihan ng walong kilo ng cracked cocaine na tangkang ipuslit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Batay sa ulat, malaking posibilidad na isang professional drug mule ang suspek na kinilalang si Dwi Wulandari na nanggaling na sa China, Brazil, Peru at Dubai bago lumapag sa NAIA sakay ng Emirates flight EK-332.

Dahil sa bigat na dala-dalang bagahe, nagduda ang Airport police na nasa Terminal 1 kaya binusisi ang bagahe.

Sa ginawang  pagsusuri, natagpuan sa loob ng bagahe ang cocaine na itinago sa fiber glass plastic na nakabalot pa sa carbon.

Bagama’t itinanggi ng suspek ang tangkang pagpasok sa bansa ng iligal na droga, nagtugma naman ang numero sa tag ng maleta at claim tag nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply