Info campaign sa earthquake readiness patuloy

PATULOY ang ipinatutupad na information campaign ng pamahalaan kaugnay sa mga dapat gawin kapag may lindol.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Dir. Benito Ramos, importante ang information campaign lalo na at hindi maaaring matukoy kung kailan tatama ang lindol sa bansa.

Ayon kay Ramos, tungkulin naman ng lokal na pamahalaan ang paglilikas at pagre-rellocate sa mga residente na malapit sa fault line.

Nanawagan din si Ramos sa publiko na palaging maging alerto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply