Information awareness vs leptospirosis, ilulunsad ng DepEd

INILATAG na ng Department of Education (DepEd) ang sariling information drive bilang pangontra sa leptospirosis.

Ang information drive ay kaugnay sa nakaa-alarmang pagsipa ng bilang ng mga nabibiktima ng naturang sakit.

Ang hakbang na ito ng DepEd ay batay na rin sa inilabas na kautusan ni DepEd Sec. Armin Luistro.

Nakasaad sa DepEd Memorandum Order no. 153 – pinakikilos ng kalihim ang mga school officials gayundin ang mga health at nutrition personnel na makipag-ugnayan sa mga local government officials, magulang at community leaders para maipakalat ang mahahalagang impormasyon para maiwasan ang water-borne diseases.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply