Inisnab na pagdinig ni Miriam Santiago

NOONG nakaraang Biyernes ay ginanap ang pagdinig ng Senado sa umano’y mga kahina-hinalang aktibidad ni dating DILG Undersecretary Rico Puno, lalo na sa pagbili ng PNP ng mga baril.

Mas nakalulungkot pang isipin na tanging si Rico Puno lang ang dumating at ang ibang government executives ay hindi nagsilitawan sa hearing na pinamunuan ni Senador Miriam Santiago. Maliban kay Puno at ilang opisyal ng PNP, hindi dumating ang karamihan sa mga imbitado sa imbestigasyon.

Ayon sa unang balita mula sa Malakanyang, hindi naman daw in-aid-of-legislation ang imbestigasyon ni Santiago. At kailangan pa umanong ipadala ng Senadio ang mga tanong na ibabato sa executives ni Noynoy bago niya payagan ang mga
ito na dumalo sa pulong.

Nakalulungkot isipin na ang taktikang ito ang ginamit ni dating Pangulo at ngayon ay Congresswoman Gloria Arroyo sa mga imbestigasyon ng Senado. Sa Executive Order 464, sinasabing kailangan ang pagpayag ng Pangulo bago maging resource speaker ang mga government executive sa isang hearing.

Para sa isang administrasyon na walang ginawa kundi batikusin ang dating administrasyon at ikumpara ang sarili dito, nakadidismaya na ‘yung taktika ng binabatikos nila ay ginagamit ni Noynoy.

Pero parang walang nakapapansin nito! Ang katotohanan pa, kinampihan si Noynoy ng mga Senador niya at hindi dumating ang 11 Senador sa hearing ni Santiago. Buti pa sina Koko Pimentel at Allan Cayetano, malakas ang loob na dumating.

Dito ninyo makikita ang kalidad ng mga pinuno natin. Walang bayag, paninindigan at integridad. Kampi sila kapag makikinabang sila, lalayo kapag argabiyado. ‘Di bale nang taliwas ang kilos sa sinasabi nilang kapakanan ng bayan.

Isipin ninyo kung may isa’t kalahating taon pa ang layo ng eleksiyon? Sigurado lahat sila ay kandarapang magtanong sa

televised hearing. Pero dahil sa Mayo na at malamang na madale sila, mabilis pa sa alas kuwatro kung tumakbo sila palayo.

Ngayon, tinapos na ni Santiago ang pagdinig sa sobrang dismaya sa mga kapwa niya.  Sasabihin nating nakaiinis si Santiago at hindi ninyo gusto ang ugali niya? Pero sa lahat ng mga Senador si Santiago ang wala nang agenda. Tapos na siya sa pagpapakyut at lilipat na siya sa International Court sa Hague.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply