‘Innocence of Muslims’ bawal sa Maynila

BINALAAN ni Manila Mayor Alfredo Lim ang mga sinehan na magpapalabas ng anti-Muslim film na ‘Innocence of Muslims’, na ipapasara ang mga ito.

Sinabi ni Lim na mahigpit na niyang ipinagbawal ang pagpapalabas ng naturang kontrobersyal na pelikula na nagpasiklab ng kaguluhan sa ibang bansa.

Binigyang diin ni Lim na dahil sa security risk na dulot ng naturang palabas, hindi maaring gamiting dahilan ang freedom of speech para kontrahin ang ban.

Magugunita na matapos ang atake sa embahada ng Amerika sa Libya, lalo pang uminit ang protesta ng mga Muslim sa iba’t ibang bahagi ng mundo laban sa pelikulang mapangutya diumano kay propetang Muhammad, kaya todo-bantay na rin ang mga awtoridad dito sa embahada ng Amerika.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply