‘Innocence of Muslims’ idudulog sa SC

DUDULOG ngayong araw ang ilang grupo ng mga Muslim sa tanggapan ng Korte Suprema sa Taft avenue upang hilingin na ipagbawal ang pagpapalabas ng “Innocence of Muslims” sa bansa.

Ang hakbanging ito ng  mga Muslim ay upang magkaroon ng legal na kautusan mula sa kataas-taasang hukuman hinggil sa nasabing palabas.

Ito ay sa gitna an rin ang nangyayari pa ring kaguluhan sa Benghazi, Libya na ikinasawi ni US Ambassador Christopher Stevens at iba pa niyang kasamahan.

Ayon naman kay Atty.Henry Roque, professor ng University of the Philippines, ang kaguluhan na nangyayari sa ibang bansa ay malayong mangyari sa Pilipinas .

Kaugnay nito, nanawagan naman ang grupo ng mga Muslim sa bansa na maging mahinahon ay huwag daanin sa dahas  ang pagkondena sa nasabing pelikula.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply