‘Innocence of Muslims’ Ok sa US, ban sa UP

PINAYAGAN ng US court na manatili sa video-sharing site na YouTube ang kontrobersiyal na “anti-Islam” movie na ‘Innocence of Muslims’, na ikinagalit ng mga bansang Islam.

Sa report, ibinasura ni Los Angeles Superior Court Judge Luis Lavin ang hiling ni aktres Cindy Lee Garcia na temporary restraining order laban sa nasabing film trailer.

Matatandaang idinimanda ni Garcia ang Google Inc., dahil niloko umano siya ng direktor para pumapel sa nasabing pelikula, at dahil dito ay patuloy siyang nakatatanggap ng mga death threats.

Walang itinakdang petsa para sa susunod na pagdinig sa kaso si Lavin.

Unang inatake ng mga Muslim ang mga U.S. embassy sa Libya dahil sa umano’y pambabastos sa relihiyong Islam.

Lumikas na rin ang direktor ng pelikula at pamilya nito sa takot na masaktan.

Gayunman, kahit kinatigan ng US ang pagpapalabas ng trailer sa Youtube, bawal naman sa University of the Philippines ang pagpapalabas nito.

Plano sanang ipalabas kahapon (Biyernes) ang 14 na minutong ‘Innocence of Muslims’ video sa UP bilang bahagi ng diskusyon ng Bill of Rights at freedom of expression, ngunit kinansela ito ni College of Law Dean Danilo Conception.

Nauna rito, binalaan na rin ni Manila Mayor Alfredo Lim ang mga sinehan sa lungsod hinggil sa pagpapalabas sa nasabing film trailer.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply