Inosenteng fans binuntis ng mga matinee idol

NAPAKA-SCANDALOUS n’ung bagong tsikang nakumpirma namin mula sa isang fan mismo na binuntis ng idol niyang mahusay at sumikat na aktor.

True nga pala yung kuwento noon ng isang senior gay writer tungkol sa pambubuntis ng dalawang matinee idols sa dalawang inosente nilang fans.

Minsan kasi, kaharap ako, nagkita ang fan at ang gay writer at doon na nabuksan ang kuwentuhan.

By the way, sort of may kapansanan ang fan na hindi makasalita’t senyas senyas lang. Sa pamamagitan ng senyas pinatunayan niyang naging sex slave siya ng ngayon ay semi-retired ng aktor at naanakan nga siya.

And to prove na talagang may nangyari sa kanila ng aktor, ipinakita pa niya ang tattoo sa balikat at doon nakatatak ang pangalan ng aktor.

Napa-wow na lang kami sa nakita namin.

Nabuksan din yung tungkol sa isa pang fan na kaibigan ng fan na kausap naming nabuntisan din ng kaibigan ng aktor na kasamahan ‘di niya sa isang dance group. The guy, for a while, was a famous celebrity kasi nga na-link siya noon sa maraming teenage stars. Napag-alaman naming super libog pala ang dating dancer kaya ayun, di niya pinaligtas at inanakan ang fan niya.

Malaki na raw ngayon ang anak ng dalawang fans na nasa pangangalaga ng kanilang mga biyenang hilaw.

Japan Philippine Fiesta held in Yokohama

MISMONG ang kabalen nating si Ms. Marikho aka Thess Manialung ang nagbalita sa aming  malaking tagumpay ang ginanap na two-day Barrio Fiesta event ng Philippine Embassy (Japan) sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang Fil-Com organizations sa Japan. Ito’y ginanap sa Yamashita Garden sa Yokohama, Japan nung nakaraang (September 1 and 2) na dinayo ng ating mga kababayan na nanggaling pa sa iba’t ibang lugar ng Japan. Ms. Thess, herself, even allotted time para nga mapanood ang two-day event. This is one time, according to her na nagba-bonding silang mga Pinoy sa Japan.

Bihira naman kasi mangyari ang mga ganitong okasyon kaya malalayo man sila ay nagi-effort talaga sila na makadalo para naman maibsan ang kanilang pangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas at muling maranasan ang fiesta atmosphere kahit nasa ibang bansa sila.

Ang isa pang dahilan ng kanilang pagdalo ay para makita nila ng personal at makadaupang-palad ang mga kilalang celebrities mula sa Pilipinas tulad nina Pops Fernandez, Christopher de Leon, Ariel Rivera, Allan K., Lovi Poe at Giselle Sanchez.

Ms. Thess had a bonding session with the stars at may kanya-kanya siyang analysis tungkol sa attitude ng mga artistang nabanggit. Of course natutuwa siya sa kabaitan nina Lovi Poe, Allan K at Ariel Rivera, pero yung isang pa-star daw sa tropa ay talagang maarte at may star ek ek.

Kinikilig naman daw si Ms. Thess kay Ariel Rivera na gwapo pa rin daw at napakahusay kumanta hanggang sa ngayon.

Amuse na amuse naman siya sa kakikayan ni Gisselle Sanchez.

Ms. Thess Manialung is from Sapangbato in Angeles City and although halos thirty years na siya sa Japan, regular pa ring umuuwi to bond with her family and friends here in Pampanga. Very supportive rin siya sa mga event ng mga kaibigan niya rito sa atin.

Friend siya ni idol Sonny Lopez and it was through him that Ms. Thess and I met sa isang pag-uwi niya rito some few years ago.

Gimik lang ang hiwalayang Lian Paz-Paolo Contis?

KAHIT kumpirmadong hiwalay na ang mag-asawang Paolo Contis at Lian Paz matapos ang halos apat na taong pagsasama, marami pa ring nagsasabing amoy gimik lang ito. May project kasi si Lian at isang magandang gimik itong kunwari ay hiwalay na sila ni Paolo Contis.

Mismong ang dating EB Babe member ang nagkumpirma nito sa press sa packet presscon noong Miyerkules ng gabi na in-arrange pa ni Paolo para sana sa Enchanted Garden stint ng asawa.

O di ba, mismong ang asawang humiwalay pa’ng nag-arrange ng presscon?

Paliwanag ni Lian, naunang ini-schedule ang presscon bago pa nangyari ang hiwalayan noon lamang Martes, September 11.

Wala raw talaga sa planong pag-usapan ang personal na pinagdaraanan nila ni Paolo, kaso, nangyari nga ang nangyari at aniya, “Malalaman din naman po ’yon.”

Sa pag-uurirat ng press, nalaman na mukhang pressure sa pagpapamilya ang ugat ng naging problema ng mag-asawa.

Sey ni Lian, nagkasunud-sunod kasi ang responsibilidad tulad ng pagpapatayo nila ng bahay tapos isang taon lang ang pagitan ng kanilang mga anak, kaya siguro 360 degrees ang pag-a-adjust na ginawa nilang dalawa.

Aminado ang dating dancer, na si Paolo ang nagdesisyong makipaghiwalay. Sa parte niya, mahal na mahal pa rin raw niya si Paolo.

Kung kailangan raw nito ng time para makapag-isip, pagbibigyan niya ito’t maghihintay ng tamang panahong makapag-usap sila nang maayos.

Paglabas ng item na ito, nakaalis na si Paolo papuntang Amerika para sa Manny Many Prizes sa LA.

Nasa bahay pa rin nila ni Lian ang mga gamit ng dating child actor at suspetsa ng una, pagbalik nito, saka pa lang hahakutin ang mga ito.

Sa ngayon, si Lian daw at ang mga anak nila ang titira sa bahay na ipinatayo ni Paolo para sa kanila.

Ibig sabihin, si Paolo ang aalis sa conjugal home.

Umaasa pa rin daw si Lian na magkakaayos sila ni Paolo, pero sa ngayon, “Dasal na lang po muna. ’Yung love, e, actually, okay na rin po.

“Siguro, baka kung mag-stay kayo together at mag-aaway kayo nang mag-aaway, ang dami mong sisitahin sa kanya, lalo lang lumayo ’yung tao, lalong mawalan ng love, mapalitan ng hatred.

“So, hangga’t meron pa, respetuhin natin. Kung kayo talaga, kayo talaga,” katwiran pa ng nagpapakatatag na si Lian.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply