Intelligence, logistics ng PNP vs jueteng palalakasin

ISINUSULONG na ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang pagpapalakas ng intelligance at logistics sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) para labanan ang talamak na jueteng sa bansa.

Kaugnay nito hindi gagamit ng matatapang na salita si Roxas kaugnay sa kampanya laban sa jueteng at kriminalidad.

Una nang inihayag ni retired Archbishop Oscar Cruz na naniniwala silang kayang labanan ni Roxas ang jueteng operations lalo na kung may suporta ang Malakanyang.

Kaugnay pa nito, tiyak na alam din ni Roxas na malaki ang kanyang responsibilidad bilang bagong pinuno ng DILG kaya’t marapat lamang niyang pag-aralan ang mga solusyon sa problemang kinahaharap ng kagawaran katulad ng talamak na jueteng, private armed groups ng mga politiko, korapsyon sa lahat ng ahensyang sakop ng DILG, lalo na sa bidding at magandang ugnayan sa mga lokal na pamahalaan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply